top of page
Pokwang.jpg

Sumunod sa checkpoint para iwas-gulo

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 13, 2019
1 min read

NAGSIMULA na ang election period, kasabay nito, start na rin ang pagpapatupad ng gun ban.

Ayon sa Commission on Elections (Comelec), asahan na ang kabi-kabilang checkpoints para matiyak na walang magdadala ng deadly weapons.

Siguruhin lang na nakapuwesto ito sa maliwanag na lugar, nakauniporme ang mga pulis na nakabantay at may nakapaskil na impormasyon tulad ng contact number at pangalan ng pulis at election officer na in-charge sa lugar.

Para naman sa mga motorista, huwag mainis dahil para ito sa kapakanan nating lahat. Okay nang maabala nang ilang minuto kesa may pagala-galang masasamang-tao.

Gayunman, hindi obligado ang mga motorista na buksan ang kanilang mga sasakyan.

Susundin naman ng mga awtoridad ang plain-view doctrine sa pagsasagawa ng checkpoint.

Ang tanging papayagan lamang na makapagdala ng armas ay ang mga napagkalooban ng gun ban exemptions ng Comelec.

Sana ay maipatupad nang maayos ang mga batas mula simula hanggang sa pagtatapos ng halalan. Siyempre, mangyayari lang ito kung makikiisa ang lahat.

Sama-sama nating bantayan ang proseso at ang resulta ng 2019 Mid-year Election.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page