Sinita sa kaingayan, pumalag | KATRABAHO KINATAY

DEAD-ON-THE-SPOT ang construction worker matapos pagsasaksakin ng kanyang katrabaho sa Bgy. Tugtug, San Jose, Batangas.
Kinilala ang biktima na si Ronald Canila, tubong Camarines Sur habang ang suspek namang si Ronald Ramos, 32, tubong Taytay, Rizal ay kapwa stay-in workers.
Ala-1:40 ng madaling-araw, katatapos lamang mag-inuman ng dalawa kasama ang iba pa nang pagsabihan ng suspek ang biktima na matulog na sa halip na mag-ingay.
Uminit umano ang ulo ng biktima kaya binato ng martilyo sa ulo ang suspek.
Mabilis naman nitong kinuha ang kanyang patalim saka inundayan ng saksak ang biktima na daglian nitong ikinamatay.
Naaresto kalaunan ang suspek makaraan ang isinagawang follow-up operation ng pulisya.





Comments