Problemado sa anak, tatay nagbigti

MATINDING depresyon dala ng pagiging malungkutin sa anak ang nagtulak sa isang mister na magpakamatay sa Bgy. Tuhian, Catanauan, Quezon.
Ayon sa pulisya, alas-11:30 ng gabi nang matagpuang nakabitin sa kisame ng kanilang silid ang biktimang si Gellan Canillo, 24.
Dali-dali pa itong isinugod sa pagamutan ngunit, idineklarang dead-on-arrival.
Sa salaysay ng misis nito, may matindi umanong pinagdaraanan ang biktima at palagi nitong napapansin ang pagiging malungkutin dahil sa kanilang unang anak na lalaki.
Kumbinsido naman ang imbestigador na walang foul play sa naturang insidente.





Comments