Miyembro ng 'bukas-kotse' tepok
NUEVA ECIJA—Isa sa dalawang miyembro ng “Basag-Kotse Gang” ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya, kamakalawa sa Bgy. Poblacion Sur, Talavera sa lalawigang ito.
Sa ngayon ay kinikilala pa ng mga awtoridad ang napatay na suspek.
Ayon sa ulat, ini-report sa pulisya ng biktimang si Len Balaquidan na binasag ng dalawang hindi kilalang lalaki ang salamin ng kanyang kotse at dahil dito ay mabilis na rumesponde ang mga awtoridad.
Imbes sumuko ay pinagbabaril ng dalawang miyembro ng “Basag-Kotse Gang” ang mga awtoridad kaya napilitan ang pulisya na gumanti ng putok na naging dahilan upang mapatay ang isang suspek at nakatakas naman ang kasamahan nito.





Comments