Kung si Kris, extra lang… HEART, KA-LEVEL NA ANG MGA BIDA NG CRAZY RICH ASIANS


HINDI na nga secret ngayon ang pagpunta ni Heart Evangelista sa China upang gumawa ng pelikulang pinagbibidahan ng malalaking Asian stars.
Naging kaibigan ni Heart ang famous book author na si Kevin Kwan na siya ring naging tulay upang makasama siya sa 2018 Fashion Week sa Paris. Si Kevin ang may-akda ng Asian hit movie na Crazy Rich Asians kaya nang gawin ang China Rich Girlfriend ay napasok si Heart.
Isang buwang mag-i-stay sa China ang Kapuso actress para sa shooting ng movie. Kaya naman nagbubunyi, excited at masayang-masaya ang mga fans ni Heart sa pagkakasama niya sa China Rich Girlfriend. At tinitiyak nilang hindi cameo o guest role lang ang ibinigay kay Heart sa movie dahil one month siyang magsu-shooting.
Kumpara raw sa ipinagmamalaking exposure ni Kris Aquino noon sa Crazy Rich Asians, markado ang role ni Heart sa China Rich Girlfriend. At kahit kasama pa sa movie ang mga bida sa Crazy Rich Asians na sina Constance Wu at Henry Golding, hindi masasapawan ang isang Heart Evangelista dahil malakas din ang kanyang stage presence at sosyal na sosyal ang porma.





Comments