top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

HOROSCOPE | ENERO 13, 2019 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 13, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG ENERO 13, 2019 (Linggo): Hindi ka dapat magpaapekto sa mga negatibong komento tungkol sa iyo. Ituloy mo lang ang iyong pagsisikap dahil tiyak na magtatagumpay ka.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maghanda ka! Iba ang nakahanda kaysa sa nasosorpresa. Palagi kang maging positibo at masigla dahil ang mga araw ngayong taong ito ay para sa mga bagong oportunidad. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-18-20-23-37-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong kaligtaan ang mga aral sa buhay na iyong natutunan sa nagdaan. Magagamit mo ang mga ito habang nagdaratingan ang iyong magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-17-24-30-33-45.

GEMINI (May 21- June 20) - Magsasawa ka sa masasayang pangyayaring guguhit sa iyong kapalaran ngayong taon. Ingatan mo ang mga ito dahil kapag nagsawa ka na, mapupunta ito sa maling tao. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-12-28-30-31-32-41.

CANCER (June 21- July 22) - Huwag kang matakot sa mga bagong pakikipagsapalaran na ilalagay sa iyong harapan ngayon. Huwag mong kalilimutan na rito sa mundo, mas maganda ang nakikipagsapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-11-15-27-40-46.

LEO (July 23-Aug. 22) - Magmatyag ka! Ngayong taon ay mas papalarin ka, pero kung hindi ka mag-iingat, marami ang mananamantala sa iyo. Ang minsan nang nandaya ay muling mandaraya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-19-20-25-34-37.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Minsan, ang pagkakamali ay may malaking epekto sa buhay ng tao. Hindi mangyayari sa iyo ang ganito kung hindi ka makikinig sa mga payong mula sa maling tao. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-19-22-28-35-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magbalik-tanaw ka sa nakaraan, makikita mo na marami ka ring naging kabiguan, pero sa kabuuan ay masaya ka at mas naging maganda ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-15-16-24-35-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maamo at mabait ang tupa at ito ay totoo, pero masamang magalit ang mabait at maamo. Ikaw ay tupa, kaya hindi ka puwedeng magalit nang husto dahil maraming buhay ang masisira. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-14-18-21-23-39-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maraming bituin ang mahuhulog mula sa itaas. Sila ang mga taong nalasing sa kasikatan. Ito ay iyong masasaksihan ngayong taon. Kumuha ka ng mga aral sa kanilang naging buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-20-24-28-30-43.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magdaratingan sa buhay mo ang marami at malalaking pagsubok ngayong taong ito. Pero, nakatala sa Aklat ng Kapalaran na hindi ka natinag at mas lalo ka pang binuwenas. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-13-14-23-37-44.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakikita ng mga mata ang panlabas na anyo, pero ang puso, nadarama nito ang nakatagong ganda. Ang payo para sa iyo ay nagsasabing, huwag kang basta-basta maniniwala sa iyong nakikita. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-22-27-35-41-46.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi tama na maging bahagi ka ng buhay ng taong nakararanas ng pangit na kaganapan. Maawa ka, pero umiwas ka na madikit sa kanya dahil nakahahawa ang kamalasan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-14-17-20-21-37.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page