Electrician dedbol sa trak
PANGASINAN—Isang electrician ang namatay nang aksidenteng masagasaan ng umaatras na trak, kamakalawa sa Bgy. Portic, Bugallon sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Normandy Canave, nakatira sa Bgy. Magtaking sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, hindi umano napansin ng driver na si Ronaldo Somintac na nasa likod ng pinaaatras niyang sasakyan si Canave kaya aksidenteng nasagasaan ang biktima.
Nabatid na namatay sa mismong pinangyarihan ng aksidente si Canave, samantalang, sinampahan na ng kasong reckless impridence resulting in homicide si Somintac.





Comments