Chairman patay sa kuryente
Pabs Hernandez III
Jan 13, 2019
1 min read
CAPIZ—Isang barangay chairman ang namatay nang makuryente, kamakalawa sa Bgy. Tinampas, Panit-an sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Chairman Henjie Degones, residente ng nabanggit na barangay.
Nabatid na habang inaayos ni Degones ang electric motor ay napahawak ito sa live wire kaya nakuryente ang biktima.
Dinala pa ng kanyang mga kamag-anak si Degones sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.





Comments