7 Kulong sa droga at baril

PITONG hinihinalang sangkot sa iligal na droga ang nasakote ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ni District Special Operation Unit Head PCI Angelo Nicolas ang mga naaresto na sina John Carlo Dorana, 27; Roldan Villamor, 35; Jonathan Bactol, 24; Micheal Villorente, 40; Marcelino Nationales, 40; Julito Unat, 42, at Mayco Soycano, 47.
Sa imbestigasyon ni PO2 Paul Colasilo, alas-12:20 ng hatinggabi nang ikasa ng mga tauhan ng DSOU sa pangunguna ni P/Insp. Melito Pabon ang buy-bust operation of firearms sa Bgy. NBBN na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.
Narekober sa mga suspek ang cal. 38 revolver na kargado ng 5 bala, 12 plastic sachets na naglalaman ng hindi pa matukoy na halaga ng hinihinalang shabu at P3,000 buy-bust money.
Kasong paglabag sa RA 10591 at RA 9165 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga naarestong suspek sa Navotas City Prosecutor’s Office.





Comments