top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Vocalist ng Journey, bida at 'di extra lang…ARNEL, SUPER-HAPI NA GAGAWAN NG INTERNATIONAL MOVIE

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 12, 2019
2 min read

BAGO natapos ang 2018 ay lumabas ang balita na interesado raw ang Crazy Rich Asian director na si Direk Jon M. Chu na gawin ang biopic ng Journey lead vocalist na si Arnel Pineda.

Balita na na-impress ang international director sa buhay at tagumpay ni Arnel kaya ang tsika pa nga ay ipo-produce ng Warner Bros. ang pelikula. Nakausap namin nu’ng nakaraang Linggo sa ASAP Natin ‘To ang lead vocalist kung saan ikinuwento nito na nakarating nga sa kanya ang balita. Nagulat at natuwa siya na may interesadong gawin ang istorya ng buhay niya gayung naipalabas na ang documentary na Don’t Stop Believin’: Everyman’ s Journey ni Ramona Diaz.

Ayon kay Arnel ay masayang-masaya siya kung matutuloy na gawin ang pelikula ng buhay niya at maipalabas ito dahil magsisilbi itong inspirasyon sa maraming singers natin na ang galing-galing pero hindi pa nga lang natutuklasan ang husay sa pagkanta.

Very proud at honored din ang singer na ang may interes na gawin ito ay ang Crazy Rich Asian director at hiling niya ay matuloy talaga.

Tinanong din namin kung siya ba ang gaganap sa biopic niya na kadalasang ginagawa ng ibang artista.

Para sa Journey lead vocalist ay ipauubaya na lang niya ito sa aktor na karapat-dapat na gumanap bilang siya. Biro nga sa amin ni Arnel, ang alam niya lang ay mag-headbang at makipagrakrakan on stage at ‘di niya kaya ang umarte.

Samantala, bihira mang makita sa mga guestings sa Pilipinas, humahataw naman si Arnel sa mga international shows kung saan 54 shows ang ginawa niya kasama ang Journey at ilang mga solo shows sa America at Canada.

Ngayong taon ay makakasama niya si Lani Misalucha sa ilang shows uli sa America at may planong gumawa uli siya ng second album.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page