top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Plantasyon ng marijuana, buking

  • Jeff Tumbado
  • Jan 12, 2019
  • 1 min read

ISANG plantasyon ng iligal na droga ang sinalakay ng mga awtoridad sa isang eksklusibong subdibisyon sa Subic, Zambales, kahapon ng madaling-araw.

Sa nasabing bahay na nasa loob ng Magdalena Homes Subdivision sa Bgy. Calapacuan, natuklasan ang mga pananim na kush o high grade marijuana na nagkakahalagang P5 milyon.

Kasabay ng pagsalakay na isinagawa ng Police Regional Office 3-Regional Drug Enforcement Unit, Zambales Provincial Police Office at Philippine Drug Enforcement Agency, inabutan ang mag-live-in partner na nagmamantina sa plantasyon ng droga.

Nakilala ang mga suspek na sina Simon Stuart McLaren Watson, 42, British national at kanyang kinakasamang Pinay na si Rizza Fernandez, 28.

Ayon sa report, umabot sa 70 bilang ng mga paso na may tanim na marijuana ang nasamsam at pawang mga nasa loob ng malaking kuwarto na pinalalago gamit ang aircon at bentilador.

Protektado rin ng insulation ang silid para hindi mainitan ang mga ito.

Lumalabas na binentahan ng dalawa ang police agent ng naturang iligal na droga na nagkakahala­gang P28,000 saka isinagawa ang operasyon kung saan nadiskubre ang nasabing plantasyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page