Ombudsman, todo-tanggi sa imbestigasyon sa flood control scam


ITINANGGI ng Office of the Ombudsman na nagsimula na silang mag-imbestiga kaugnay sa iregularidad sa flood control project funds.
Nakiusap ang Ombudsman kay House Majority Leader Rolando Andaya, Jr. na huwag kaladkarin ang anti-graft body sa politika. Taliwas sa ikinakalat ni Andaya, nilinaw ni Ombudsman Samuel Martires na wala pang isinasagawang pagsisiyasat sa nilalaman ng privilege speeches nina Sen. Ping Lacson at Andaya.
Gayunman, inamin ni Martires na inutusan niya ang isa niyang tauhan na kumuha ng kopya ng naturang privilege speech pero, hindi nangangahulugan na nagsimula na sila sa imbestigasyon.
Ipinayo ni Martires kay Andaya na mas makabubuti na magsiyasat ang Kamara ng mga representante at kumalap ng mga ebidensiya at kung matibay ay dapat na diretsong sampahan ng kaso ang sinumang nagkasala sa Office of the Ombudsman. Hindi rin umano mabuti na kaladkarin ang Ombudsman sa sigalot ng Kamara at Department of Budget and Management. (BRT)





Comments