top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

HOROSCOPE | ENERO 12, 2019 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 12, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG ENERO 12, 2019 (Sabado): Hindi masasayang ang iyong mga pagsisikap, ginagarantiyahan ng araw na ito ng iyong pagsilang na anuman ang iyong ambisyon, ito ay maaabot mo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi maintindihan ng iyong pakiramdam ang dala sa iyo ng hanging malamig. Huwag kang mabahala dahil ang mensahe para sa iyo ay nagsasabing, hindi ka mahihirapang gawin ang gusto mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-19-22-27-30-31.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Namumunga ang puno sa takdang panahon. Ikaw ay tulad ng puno, mamumunga ang iyong mga pagsisikap sa takdang panahon at ang araw na ito ay malapit na. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-18-20-24-27-34.

GEMINI (May 21- June 20) - Tinatalo ng mabilis mag-isip ang malakas. Dito sa mundo, kung sino ang may matalas na isip, siya ang mananalo. Ibinabalita ng iyong kapalaran na tatalas ang iyong isipan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-22-25-30-34-38-41.

CANCER (June 21- July 22) - Inilapit sa iyo ng kapalaran mo ang taong angat sa buhay, may sinasabi at may katungkulan. Magpasya ka kung papayagan mong maging bahagi siya ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-9-11-17-28-30.

LEO (July 23-Aug. 22) - Malakas ka, ikaw ang masusunod. Huwag mong kalilimutan na hindi mahalaga kung sinunod ka dahil malakas ka, ang pinakaimportante ay sinunod ka nang bukal sa kanilang kalooban. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-12-24-30-36-40.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magpakumbaba ka at iaangat ka ng iyong kapalaran. Magkakatotoo sa iyo ang pangyayari na umupo ka sa hulihan, pero tinawag ka at pinaupo saunahan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-21-25-36-43-45.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Namamahinga ang araw sa gabi at muling sumisikat sa umaga. Ibinabalita ng iyong kapalaran ang muli mong pagsikat tulad ng sikat na artista. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-18-20-25-37-44.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi ka bibiguin ng iyong kapalaran kahit pa nagkakamali ka sa iyong buhay. Tanggap ng langit na ang tao ay nagkakamali. Ang kanyang kapalaran ang mag-aayos ng lahat. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-18-22-25-34-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Palipat-lipat ang paruparo sa mga bulaklak. Maililipat sa iyo ang mga suwerteng nasa paligid na hindi pinapansin ng iba dahil abala sila sa mga walang kuwentang bagay. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-16-23-26-33-37-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong abangan ang pagdating ng bagong buwan na senyales ng pagpapalit ng taon. Mas magandang ang bawat araw mo ay gawin mong bago. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-19-21-38-39-46.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sinasakyan ng mga ibong manlalakbay ang mga ulap. Tularan mo sila, sakyan mo lang ang mga problema, ibig sabihin, gamitin mo ito para mas mapabilis ang iyong pag-asenso. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-18-20-22-24-38.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagpapalit ng balat ang ahas. Magiging mapagmatyag ang mga lihim na naiinggit sa iyo kung saan biglang magpapalit ang kanilang pagkatao, kaya talasan mo ang iyong mga mata. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-12-14-20-25-38.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page