top of page
Pokwang.jpg

2 sunog sumiklab sa Maynila

Mylene Alfonso
Jan 12, 2019
1 min read

NAWALAN ng bahay ang 135 pamilya sa magkasunod na sunog sa magkahiwalay na lugar kahapon ng umaga sa Maynila.

Batay sa ulat ng Manila Fire Department, alas-7:45 ng umaga nang unang sumiklab ang sunog sa residential area sa Yuseco St., Bgy. 221, Zone 21, sa Sta. Cruz.

Wala namang nasugatan sa insidente na umabot sa ikatlong alarma at naideklarang under control alas-8:30 ng umaga.

Batay sa imbestigasyon ni F/Chief Inspector Joselito Reyes, naging mabilis ang pagresponde ng mga bumbero kaya naagapan ang pagkalat ng apoy. Tinatayang aabot sa pitong bahay ang tinupok at 15 bahay ang naapektuhan ng sunog.

Kaugnay nito, alas-10:56 ng umaga nang sumiklab ang ikalawang sunog sa Blk. 8 Aplaya, Baseco Compound, Bgy. 649, Zone 68 sa Tondo na umabot sa ikatlong alarma at idineklarang fire control alas-11:51 ng umaga.

Ayon kay F/Supt. Jonas Silvano, wala namang naiulat na namatay sa naturang sunog pero dalawang lalaki ang umano’y nasugatan dahil sa pagmamadaling maisalba ang ilan nilang kagamitan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page