Van tumaob, 3 sundalo, 2 sibilyan nadale
- Jeff Tumbado
- Jan 11, 2019
- 1 min read

TATLONG sundalo at dalawang sibilyan ang nasugatan sa nangyaring aksidente sa Lope de Vega, Northern Samar.
Ginagamot sina Private Jeffrey Samulde, 27, residente ng Bgy. Dale San Roque, Northern Samar; Private Kenneth Sagun, 27, ng Nampicuan, Nueva Ecija at Private Mark Kevin Frigillana, 26, ng Bgy. Echo, Mondragon, Northern Samar, kapwa mga tauhan ng Philippine Army at ang dalawang sibilyan na hindi nakilala.
Batay sa ulat sa Police Regional Headquarters sa Camp Ruperto Kangleon, Palo, sakay ang lima sa pampasaherong van na minamaneho ni Roy Bermejo.
Habang binabagtas ang kahabaan ng national highway sa Bgy. Magsaysay, nang biglang mawalan ng kontrol sa manibela si Bermejo hanggang sa magpagewang-gewang saka ito tumaob sa gilid ng kalsada.
Nagtamo ng mga sugat at bugbog sa katawan ang mga biktima na agad dinala sa Rural Health Unit.





Comments