top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

TULOY LANG ANG TRABAHO PARA SA TAGUMPAY NG ‘PINAS SA SEAG

Clyde Mariano
Jan 11, 2019
2 min read

TRABAHO lang, wa­lang persona­lan, ito ang ita­tawid ni dating taekwondo champion Monsour del Ro­sa­rio na respon­sibilidad niya bilang Chef de Mission ng Team Philippines para sa 30th Southeast Asian Games na gaga­napin sa Manila.

Sa isinasagawang pagha­handa ng Philippine Olympic Com­­mittee (POC) sa hos­ting ng biennial meet, iginiit ni Monsour na tuloy lang lang ang kanyang tra­baho alang-alang sa tagum­­pay ng atletang Pinoy sa biennial meet.

Nakatakda ang SEAG sa Nob. 30 hanggang Dis. 11 sa tatlong venue – Subic, Clark Freeport at Manila.

“Sa totoo lang, wala pa akong pinanghaha­wakan na detalye, regarding sa pre­parasyon natin sa SEAG,” pahayag ni Monsour, naging kinatawan ng bansa sa Asian Games at Olympics.

Ang 53-anyos taekwon­do champion at naging Chef De Mission ng Team Philippines sa matagumpay na kampan­ya sa 2018 Asian Indoor and Martial Arts Games sa Turk­menistan (2-14-14 medals) ay Chef de Mission sa 30th SEA Games.

Handa siya na balikatin ang mga responsibilidad para masiguro ang tagumpay ng atletang Pinoy sa darating na SEA Games.

Iginiit niya sa mga opis­yal ng national sports association na tigilan na ang hidwaan para maging kam­pante ang paghahanda sa pinakamalaking torneo ngayong taon.

“The Filipino athletes are talented enough to be the best in Southeast Asia, but we still have a lot of work to do to win the gold medals,” pahayag ni Mon­sour sa pagbisita sa “Usa­pang Sports” ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) kahapon sa National Press Club sa Intra­muros. “As host nation, we have to do our best to win as many gold medals as possible.”

Aniya, target niya na gabayan ang mga atleta para maduplika hindi man mahi­gitan ang tagumpay ng bansa sa 2005 SEA Games kung saan nakamit ng Pinoy ang overall championship. “Sa SEAG, ang labanan dito gold medal, kaya target natin maging champion ulit,” aniya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page