Pondo para sa pader hindi inaprubahan TRUMP NAG-WALKOUT
Jersy Sanchez
Jan 11, 2019
1 min read
NAG-WALKOUT si U.S. President Donald Trump habang nakikipagpulong sa mga Democratic leader habang nasa ika-19 araw ng government shutdown sa bansa.
Kasama ni Trump sa nasabing pagpupulong sina Senate President Chuck Schummer at Speaker Nancy Pelosi.
Ayon kay Trump, pagsasayang lamang umano ng oras ang pagpupulong.
Hindi pumayag si Pelosi sa pagpondo sa border wall na gusto ng presidente dahilan para mag-walkout ito.





Comments