top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

P-Duterte, “balakid” sa trabaho ng gobyerno ang tingin sa mga taga-COA?! Hmmm…

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 11, 2019
  • 2 min read

MAGHINTAY na lang tayo sa paliwanag ng Palasyo tungkol sa pinakabagong pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon sa kanya, dapat madakip at i-torture ang mga opisyal ng Commission on Audit (COA) dahil pahirapan at balakid lang umano ang mga ito sa trabaho ng gobyerno. Sigurado, sasabihin na naman ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na biro lang ito. ‘Yan ang pinakamaraming nagawa ng kasalukuyang administrasyon kumpara sa mga nakaraang administrasyon — ang magpaliwanag sa mga pahayag at biro ng pangulo.

Malinaw na ayaw ni P-Duterte na may nagbabantay sa kanya. Ayaw nito ng COA dahil “balakid” umano sa gobyerno. Ayaw ng Commission on Human Rights (CHR) dahil balakid sa kanyang madugong kampanya kontra sa iligal na droga na hanggang ngayon ay patuloy pa rin halos magtatatlong taon nang nagaganap. Ayaw ng oposisyon sa Kongreso, ano ba ang tawag kapag ayaw nang nababantayan o nasasabi­han? Hindi ba, kailangan ng mga taga­bantay sa gobyerno para walang mang-abuso at maiwasan ang korupsiyon?

◘◘◘

Binalaan ni P-Duterte ang mga hotel sa baybayin ng Manila Bay na maglagay ng kani-kanilang water treatment facilities kung hindi ipa­sa­sara raw niya ang mga ito. Inutusan niya sina DENR Sec. Roy Cimatu at DILG Sec. Eduardo Año na linisin na ang Manila Bay. Alam natin kung gaano karumi ang karagatan, lalo nang matapos ang bagyo.

Ang basurang naiipon sa baybayin ng Manila Bay matapos ang bagyo ay galing lang daw sa mga hotel. Hindi ba, galing sa ibang lugar ang mga ‘yan? Hindi ba, dapat matukoy kung saan talaga nanggagaling ang mga basurang nagpaparumi sa dagat? Pabor tayong may sistema ang mga hotel para hindi mapasama ang kalikasan. Sa totoo lang, bagama’t, maganda ang mga ipinatutupad ng pangulo sa pag-alaga sa kalikasan, kailangang matigil na rin ang pagtatapon ng basura sa dagat na hindi naman galing sa mga hotel. Mabuti at hindi natuloy ang nais gawin ni P-Duterte na magtapon daw ng isandaang libong bangkay ng mga kriminal sa Manila Bay para patabain ang mga isda. Matinding pollutant ang patay na tao sa tubig, hindi ba?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page