Kambing biglang tumawid | RIDER SUMEMPLANG, DEDBOL

PATAY ang isang rider makaraang tumilapon mula sa motorsiklo nang mawalan ng balanse dahil sa biglang pagtawid ng kambing sa Muntinlupa City.
Kinilala ang nasawi na si Ferdinand Hernaez Argame habang sugatan naman ang angkas nitong si Manuel Ramos.
Ayon sa ulat kay Muntinlupa City Police Chief Sr. Supt. Gerry Umayao, naganap ang insidente alas-8:15 ng umaga sa PNR Site, kahabaan ng Rizal St.
Habang minamaneho ni Argame ang motorsiklo nang biglang tumawid ang kambing.
Hindi nakontrol ni Argame ang preno hanggang sa mawalan ng balanse at tumilapon ito na kanyang ikinamatay.





Comments