Iniuugnay daw sa mga rebelde, pumalag | HIRIT NG PALASYO: NUJP, PRANING
- Mylene Alfonso
- Jan 11, 2019
- 1 min read

MAHIGPIT na itinanggi ng Malacañang na ang gobyerno ang nasa likod ng pangangampanya upang ipakalat na ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ay iniuugnay sa Communist Party of the Philippines.
Dahil dito, idinipensa ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na maaaring paranoid lang umano ang NUJP dahil hindi umano ito gagawin ng Presidential Communications Operations Office o maging ng Philippine National Police.
“Baka lang paranoid sila. Wala, there is no such thing. PCOO will not do that. PNP does not do that also,” ani Panelo.
“As explained by PNP chief, it’s part of their intelligence work, they receive any info on a particular member then they do some profiling. Wala iyon. If you are not doing anything, they don’t have to worry,” dagdag pa ni Panelo.
Matatandaang, noong January 7, naglabas ang Manila-based tabloids ng mga istorya na nag-uugnay sa NUJP sa komunistang grupo.
Matapos naman ng isang araw, nagpalabas ang state-run Philippine News Agency (PNA) ng istoryang may kaugnayan din umano ang naturang organisasyon sa rebeldeng grupo.
Dahil dito, nagpasaring ang NUJP na may ilang miyembro ng gobyerno ang dawit sa naturang pamamahiya sa kanila.





Comments