Bahay ng vice-mayor ni-raid, 2 patay
- Jeff Tumbado
- Jan 11, 2019
- 1 min read

DALAWANG umano’y mga tauhan ng vice-mayor ang napatay matapos makipagbarilan sa pulisya sa isinagawang pagsalakay sa bahay ng LGU official sa Maguindanao.
Tinukoy ng Maguindanao Provincial Police Office (MPPO) ang target ng search warrant ang bahay ni Datu Montawal Vice-Mayor Ottoh Montawal.
Si Montawal ay isa sa mga pinangalanang LGU official sa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na kasama sa narco-politicians.
Nabatid sa inisyal na report, nangyari ang shootout sa pagitan ng dalawang security escorts ni Montawal at ng raiding team pasado alas-3:00 ng madaling-araw ng Huwebes sa labas ng bahay ng opisyal.
Nakatakda sanang hainan ng pulisya ng warrant si Montawal pero agad silang pinaputukan ng mga escort na dahilan para gumanti ang mga ito. Sugatan naman ang isang staff ni Montawal na ginagamot ngayon sa ospital.
Wala naman sa kanyang bahay ang bise-alkalde nang isagawa ang operasyon.





Comments