top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

88 trak ng basura iniwan ng mga deboto

  • Mylene Alfonso
  • Jan 11, 2019
  • 1 min read

NASA 88 trak ng basura ang nahakot ng lokal na pamahalaan ng Maynila mula nang magsimula ang aktibidad para sa Itim na Poong Nazareno noong Disyembre 30, 2018 hanggang sa matapos ang Traslacion, kahapon ng madaling-araw sa Simbahan ng Quiapo sa Maynila.

Ayon kay Che Barromeo ng Department of Public Safety (DPS) ng Manila City Hall, nasa 6 na trak ng basura ang nahakot sa paligid ng Quiapo, kahapon ng umaga.

Bukod pa sa nakaistambay na trak ng basura sa Plaza Miranda na iniwan para ipanghakot sa natirang basura sa mga gilid-gilid ng kalsada.

Habang may apat na trak ng basura rin ang nawalis ng mga street sweeper na nakabuntot sa hulihan ng mga deboto mula sa mga inilalaglag na basura ng mga deboto sa kasagsagan ng prusisyon.

May anim na trak ng basura rin na nahakot sa panahon ng Pahalik sa Quirino Grandstand.

Ito ay sa kabila ng panawagan na huwag magkalat ng kanilang mga basura at bawal ang mga vendor, marami pa rin ang mga pasaway na deboto na hindi sumunod sa panawagan ng lokal na pamahalaan.

Gayunman, noong nakalipas na Traslacion, umabot sa 90 trak ng basura ang nahakot sa panahon ng aktibidad para sa Itim na Poong Nazareno.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page