top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

5 patay sa winter storm sa Europe

Jersy Sanchez
Jan 11, 2019
1 min read

PATULOY pa rin sa pagbagsak ang makakapal na niyebe sa Europe kung saan marami ang nababahala sa posibleng pagtaas ng bilang ng mga nasawi.

Batay sa huling tala, umabot ng 5 katao ang namatay sa magkakaibang lugar sa rehiyon dahilan para ikansela ang maraming flights.

Sa Romania, isang bangkay ng 67-anyos na lalaki sa Southern City of Slatina ang natagpuan habang nasa 34°C ang temperatura sa naturang lugar.

Sa Norway, apat katao ang sinasabing nasawi nang tumama ang winter storm sa siyudad ng Tromsoe.

Hindi pa maipagpatuloy ng awtoridad ang paghahanap sa apat na sinasabing nasawi dahil zero visibility ang lugar dala ng makapal na buhos ng niyebe.

Sa Austria, hindi makalabas ang daan-daang residente sa kanilang mga tahanan dahil puno ng niyebe ang mga kalsada.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page