top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

‘Yung lalaki raw na katamtaman ang pangangatawan at kayumanggi ang balat,sissy! BABAENG SA SANDALING

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 11, 2019
2 min read

KATANUNGAN

  1. Maestro, kung sakaling iisa lang ang Marriage Line sa aking mga palad tapos ay nagka-boyfriend ako, ibig sabihin ba nito ay hindi na ako magkaka-boy­friend pang muli at tatandang dalaga na ako, habambuhay?

  2. Dati na akong nagkaroon ng boyfriend nu’ng high school at nag-break kami nu’ng college. Siya na kaya ‘yung kaisa-isang Marriage Line na nakikita ko sa aking mga palad at wala na kayang susunod na lalaki pang darating sa aking kapalaran?

  3. 39 years old na ako sa darating na February 2 at hanggang ngayon ay hindi pa ulit ako nagkaka-boy­friend. Sa palagay ninyo, makapag-aasawa pa kaya ako at magkakaroon ng masayang pamilya?

KASAGUTAN

  1. Depende sa unang pakikipagre­lasyon ‘yang sinasabi mo. Kung ang una mo ay tumagal ng ma­habang panahon at may quality relation­ship na tinatawag, ‘yun bang parang mag-asawa na kayo, posible ngang siya na o ang relasyon na ngang nabanggit ang larawan ng kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Subalit, kung hindi naman, ibig sabihin, tiyak ang ma­­gaganap, may isa at mas matinding pag-ibig pa na kakatok sa iyong buhay na madaling kinumpirma ng pagposisyon ng nasabing kaisa-isang Marriage Line (1-M arrow a.) na mas mataas o masyadong malayo sa Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) at malapit-lapit sa pinakailalim ng da­liring hinliiit na nagbabadya ng petsa kung saan humigit- kumulang late 30’s, early 40’s o kaya ay mid 40’s ka pa po­sibleng makaranas ng grabe, seryoso at totohanang pa­ki­kipagrelasyong hahantong sa isang maligaya at pangha­bam­buhay ng pag-aasawa.

MGA DAPAT GA­WIN

Kaya, Kristel, sa edad mong 39 years old sa darating na February 2, hindi ka dapat mawalan ng pag-asa, sa halip, ayon sa iyong mga datos, sa edad mong 40 pataas, isang lalaking medyo katamtaman lang ang pangangatawan, nag­tataglay ng kayumangging kulay ng balat, ang darating at magiging kaibigan mo na sa bandang huli ay magugustuhan mo upang pagsapit ng susunod na taong 2020, sa edad mong 42 hanggang 43 pataas, tuluyan nang magaganap ang kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, nagbabadya ng katuparan ng malaon mong pinapangarap, ang makaranas ng simple, pero masaya at panghabambuhay na pagpapamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page