Tindahan nasunog, vendor, inatake, dedbol
- Maeng Santos
- Jan 10, 2019
- 1 min read

DEDO ang 53-anyos na vendor matapos atakihin sa puso makaraang tupukin ng apoy ang kanyang tindahan sa Valenzuela City, kahapon ng madaling-araw.
Isinugod sa Valenzuela General Hospital si Lorenzo Primavera subalit, idineklara itong dead-on-arrival dahil sa cardiac arrest.
Ayon kay Valenzuela Police Chief Senior Supt. David Nicolas Poklay, alas-3:38 ng madaling-araw nang sumiklab ang sunog sa loob ng Polo Public Market.
Nasa 20 fire trucks ng Valenzuela Bureau of Fire Protection (BFP) ang rumesponde sa sunog at pinagtulungang apulahin ang apoy na umabot sa unang alarma.
Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy kung saan apat na tindahan kabilang ang puwesto ng biktima ang tinupok na idineklarang fireout alas-4:18 ng madaling-araw.





Comments