top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

RACASA AT DIMAYUGA, PORMANG WORLD CLASS SA NAT’L AGE GROUP

  • Eddie M.Paez, Jr.
  • Jan 10, 2019
  • 1 min read

WALONG mga disipulo ng ahedres, karamihan ay mga paslit pa, ang nagpakita ng potensyal na maging world class at makasunod sa mga yapak nina Grandmasters Wesley So at Eugene Torre nang ibaba ang telon ng National Age Group Chess Championship - Visayas Leg sa Cebu. Nangunguna sa listahan sina topseed Vincent Ryu Dimayuga (9-anyos na nangibabaw sa Boys Under 10), 7 taong gulang na si Zhaoyu Capilitan (6th seed lang pero nagwagi sa Girls Under 8) at si pre-tournament favorite Antonella Berthe Racasa (kampeon sa Girls Under 12) na winakasan ang kani-kanyang mga kampanya na puro panalo lang ang nairehistro at wala man lang naging mantsa ng tabla o pagkatalo pagkatapos ng pitong rounds.

Nasa talaan din sina no. 1 Glysen Vic Derotas (Girls Under 18), top ranked John Jerish Velarde (Boys Under 14), 11th seed Quarl Maverick Vera Cruz (Boys Under 8), no. 3 LJ Getubig (Girls Under 10) at topseed Kyle Renzi Sevillano (Boys Under 20) na pare-parehong sumakay sa halos walang duming kartada na 6.5. puntos mula sa anim na panalo at isang draw para manguna sa kani-kanilang grupo sa torneong dinaluhan ng tinatayang mahigit na 300 woodpushers mula sa kabisayaan.

Kasama rin sa mga nakaakyat sa trono sina Samantha Umayan (5.5 puntos; Girls Under 14), Jinky Catulay (6.0 puntos; Girls Under 20), Joy Me Ann Baclayon (5.5 puntos; Girls Under 16), Harris Clyde Saraos (5.5 puntos; Boys Under 16) at Lance Danielle Aquito (6.0 puntos; Boys Under 12). Lahat sila ay nakakuha ng pasaporte patungo sa national finals.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page