Para sa mga manginginom diyan, read n‘yo ‘to, dali! PAMINTA, EPEKTIB NA PANLABAN SA SAKIT SA ATAY!


MARAMI sa atin ang ayaw na ayaw talaga sa lasa ng paminta, bukod kasi sa maanghang ito, eh, nakababahing pa. Hachooo! Pero, knows ba ninyo na ang simpleng spice na ito ay maraming benepisyong naidudulot sa ating kalusugan? Woah!
Ang paminta ay kilala bilang “queen of all seasonings” dahil ginagamit ito sa buong mundo.
Gayunman, ang paminta ay may kakahayang makapagpapayat dahil ayon sa pag-aaral, nakai-improve umano ito ng metabolism at nakape-prevent ng adipose cell growth, gayundin maganda ito para sa ating digestion dahil sa piperine na mayroon ito na nakai-stimulate ng gastric fluids at dahil du’n, maiiwasan natin ang pagiging bloated. Oh ‘di ba, bongga?
Samantala, ang paminta ay mayaman sa antioxidants na nakatutulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng iba’t ibang sakit tulad ng cancer, heart problems at liver diseases.
Kaya sa mga nanganganib na ang atay diyan, knows n’yo na, ha?
Maliban pa rito, base sa pag-aaral, kapag daw umano kumain tayo ng paminta, mas bumababa ang pag-intake natin ng sodium.
Ang mataas na sodium ay nakapagpapataas ng blood pressure na maaaring magresulta ng liquid retention at kidney problems, kaya masama talaga ito para sa ating lahat, ngayon kung gusto nating maiwasan ang mga sakit na ito, mainam kung madalas tayong makakakain ng paminta sa pamamagitan ng pagsasangkap nito sa ating lulutuing ulam o kaya ay sa iinumin nating tsaa.
Para naman sa mga madalas na sumakit ang ulo, ngipin at kasu-kasuan diyan, epektibo rin ito bilang pain reliever dahil sa analgesic properties na mayroon ito.
Para magawa ito, ihalo lamang ang paminta sa essential oil at imasahe ang parte ng katawan na masakit.
Dagdag pa rito, keri rin ito na panlaban sa depresyon dahil ang paminta ay ikinukonsidera bilang antidepressant na nakai-stimulate ng nervous system kung saan ang ating cognitive ability ay gumaganda.
Oh, para sa mga maraming iniindang sakit diyan, paminta lang pala ang kailangan natin, mga baks, basta tiis-tiis lang sa anghang. He-he-he!
Okay?





Comments