top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Pagkatapos ipakulong ni ex-P-Noy… BONG, NAGSALITA NA SA PAMILYA AQUINO

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 10, 2019
2 min read

RAMDAM ang saya at positive vibes ni dating Sen. Bong Revilla, Jr. nang muling humarap sa entertainment press kahapon sa lunch get-together na ipinatawag nina Mother Lily Monteverde at Manay Ichu Maceda na ginanap sa Gloria Maris sa Greenhills.

Ito’y matapos ang ayon nga kay Sen. Bong ay 4 na taon at 6 na buwan niyang pagkaka­kulong sa PNP Custodial Center ng Camp Crame dahil sa akusas­yong plunder na napatunayan namang walang basehan kaya na-acquit siya at pinalaya na.

Sa kanyang speech, sinabi ng pogi pa ring aktor-pulitiko (na parang walang pinagdaanang ma­bigat, in fairness to him) na pinata­wad na niya ang mga taong nagpa­kulong at nang-bully sa kanya na sumayang sa halos 6 na taon ng kanyang buhay mula nang pagbin­tangan siya sa kasong plunder.

Matatandaang adminis­tras­yon ni ex-Pres. Noynoy Aquino nu’ng makulong si Sen. Bong, kaya naman marami ang curious kung naapektuhan ba ang friendship niya sa Pamilya Aquino, partikular na kay Kris Aquino na kumare niya.

Nang itanong namin ito sa aktor na muling tatakbong senador sa May, 2019, malaman ang naging ngiti niya at mas naningkit pa ang mga mata at hindi nakasagot agad.

“Basta…ahhh… Kris has nothing to do with this naman, in fairness. Wala naman. Mahal ko siya, mahal ko siya. Inaanak ko si Josh. Iba ‘yung relationship.

“Ahhh, ‘yung administrasyon, ‘yung mga nakapa­ligid, ‘yun ‘yun, eh. Pero ‘yung iba naman du’n, nakar­ma na rin, eh.

“Basta ako, pinatawad ko na. Just move forward. ‘Pag sinabing nakapagpatawad ka na, dapat wala nang comment, eh. Ipinasa-Diyos ko na. Sana lang, ‘wag nang maulit, ‘wag nang maranasan pa ng iba dahil napa­kasakit para mangyari sa isang taong tulad ko ‘yung ganu’n.”

So, kung sakali raw na makasa­lubong niya ang mga taong ‘nang-bully’ sa kanya, siya na ang gagawa ng first move na batiin ang mga ito.

Tungkol naman sa pinagdara­anan ngayon ni Kris na balitang may lupus, sabi ni Sen. Bong, “I’ll pray for her. Get well soon, Kris. Basta’t kapit lang tayo sa Pangi­noon, dasal lang tayo, hindi niya tayo pababayaan.”

At ‘yan nga ang ginawa ni Sen. Bong sa loob ng 4 yrs. at 6 months niya sa loob ng Crame — ang magdasal at mag-Bible Study, at siyempre, buo ang suporta sa kanya ng kanyang pamilya kaya kinaya niya ang mabigat na pinagdaanan.

Samantala, ibinalita ni Sen. Bong na sasali na uli siya sa MMFF this year at gusto raw niyang makuhang leading ladies sina Pia Wurtzbach at Maine Mendoza.

Why, not?! So, abangan natin ang pagbabalik-MMFF ni Alyas Pogi!

Welcome back, Sen. Bong Revilla, Jr.!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page