top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pabahay sa Metro Manila, ibalik!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 10, 2019
  • 1 min read

SANGREKWA ang wala pa rin sariling bahay.

Noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, sinolusyunan niya ‘yan.

Inaayos ang Tondo, Dagat-Dagatan at nagkaroon ng kaliwa’t kanang relocation area!

◘◘◘

KONGKRETO ang malinaw na solusyon ni Makoy sa pabahay kabilang ang mga tenement, BLISS at housing program kaya itinatag ang Pag-IBIG Program.

In-city ang tawag d’yan na hindi aalis sa lungsod, pero magkakaroon ng bahay!

◘◘◘

NGAYON, nababahala si Gov. Imee kasi marami pa rin ang walang tirahan.

Kailangan daw ay bahay para sa lahat!

◘◘◘

LAHAT ng Pinoy ay nanga­ngarap ng bahay.

Hindi lang mababang pres­yo ng mga bilihin at trabaho, no.1 pa rin ang bahay sa mga Pinoy!

◘◘◘

ISINUSULONG ni Gov. Imee ang paglalaan ng P1.3 bilyong budget para sa mass housing.

Ibabawas ito sa P3.7 trillion budget ngayong 2019.

Ipagdasal nating matupad agad ito!

◘◘◘

KAPAG may sariling bahay, kalmante ang loob ng mga Pinoy.

Ang bahay ay katuparan ng mga pangarap ng bawat mama­mayan!

◘◘◘

MARAMING Pinoy ang nagnanais na buhayin ang “Diskarteng Marcos” dahil ito ay diretsong nabibiyayaan ang ordinaryong mamamayan.

Balwarte ng mga Marcos ang Maynila dahil nabigyan ng libreng bahay at lote ang mga nagdarahop na taga-Tondo at mga taga-squatter hanggang sa CAMANAVA!

◘◘◘

NAGKALAT ang mga relocation area sa iba’t ibang lalawigan.

Ngayon, wala ng BLISS, wala ng tenement, wala ng pabahay sa loob ng Metro Manila.

Dapat itong ibalik para sa kapakanan ng lahat!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page