top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Ngayong 2019 na raw… LUIS, NAGPAALAM NA SA MADIR NI JESSY SA KASAL NILA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 10, 2019
  • 2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

MUKHANG dinaraan na lang sa biro ni Luis Manzano ang proposal niya sa GF na si Jessy Mendiola. Sa isang interview kasi ni MJ Felipe sa dalawa kung saan ay tinatanong niya ang New Year’s resolution ng aktres ay kapansin-pansin ang birong proposal na binitiwan ng TV host.

Ani Jessy, “Since kasi matagal din ako napahinga, more of tanggap lang nang tanggap ng work. Mas tatanggapin ko sa 2019 lahat.”

Sa kalagitnaan ng pagsagot ni Jessy ay biglang humirit ang kanyang TV host BF at sinabing, “Sa 2019, lahat tatanggapin mo? Pati proposal ko?” na tinawanan lang ng ak­tres, at sabay itinuro ng dalawa ang ina ni Jessy na nasa loob din pala ng kuwarto kung saan sila iniinterbyu.

Agad namang humirit si Luis sa ina ni Jessy at sinabing, “Tita, 2019 po, tatanggapin daw niya lahat pati proposal ko po,” habang sumesenyas ng “approved”.

Mukhang nagbigay naman ng basbas ang ina ng aktres at ibinalik sa aktor ang tanong.

Aniya, “Ikaw?”

“Gusto ko ‘yung ibinalik lang niya, ‘Ikaw,’” ang natatawang reaksiyon ni Jessy.

Hindi pa natapos ang hirit ni Luis at sinabing, “‘Yung part two is the girl in the white dress,” na ang tinutukoy niya ay ang pelikulang The Girl in the Orange Dress ni Jessy na official entry sa Metro Manila Film Festival 2018 kung saan ay ka-love team niya si Jericho Rosales.

Higit dalawang taon nang magkarelas­yon sina Luis at Jessy at mukhang may basbas na ng kanilang mga magulang ang kasalang magaganap sa kanila kung sakali. Ang tanging hinihintay na nga lang ay ang proposal ni Luis kay Jessy.

Masaya ring ibinalita ni Jessy sa kanyang Instagram account na this year ay sisimulan na niyang gumawa at mag-produce ng vlog kung saan ay ipapakita niya ang kanyang araw-araw na buhay, workout routines at sweet moments nila ni Luis sa YouTube.

Kapansin-pansin din sa teaser na ipinost ng aktres ang pagtawag sa kanya ni Luis na, “Mother of our children.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page