Motor sumalpok sa traktora | 3 ANGKAS TODAS, DRIVER GRABE
- Jeff Tumbado
- Jan 10, 2019
- 1 min read

NASAWI ang tatlong menor-de-edad na lalaki makaraang maaksidente sa Digos City.
Sa nakarating na ulat kay Digos Police Director Supt. Deozar Almasa, sakay ng motorsiklo ang mga biktima nang bumangga sa traktora na kasalubong sa kanto ng Digos Diversion Road at San Jose Dawis Road.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, nawalan ng kontrol ang motor bago sumalpok sa traktora.
Ang driver ng motorsiklo na 15-anyos ay kritikal at isinugod sa Davao del Sur Provincial Hospital (DSPH).
Nasawi naman ang tatlong angkas nito kung saan dalawa sa kanila ay nakilalang sina Justine Gallarde, 16, at Ronnie Balasbas.
Tumakas naman ang driver ng traktora pero, may testigo na nakakuha ng plaka ng sasakyan na ngayon ay tinutugis na ng pulisya.





Comments