top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga Pinoy, gusto si P-Digong pero, ayaw sa mga kandidatong ikinakampanya ng pangulo, period!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 10, 2019
  • 2 min read

MAJORITY NG MGA PINOY ANG GUSTO SI P-DUTERTE, PE­RO AYAW SA MGA KANDIDATO NITO—Sa latest survey ng SWS, very good ang rating ni P-Duterte gayundin, sa latest survey ng SWS tung­kol sa senatoriables, laglag sa Top 12 ang mga ikinakampanyang kandi­dato ng pangulo na sina ex-Political Adviser Fran­cis Tolentino, ex-PNP Chief Gen. Ronald “Bato” dela Rosa at ex-SAP Christopher “Bong” Go.

Ibig sabihin, gusto ng mayoryang Pinoy si P-Du­terte, pero ayaw nila sa mga kandidato na ikina­kam­­panya ng pangulo, boom!

◘◘◘

PAGKALINGA ANG KAILANGAN NG MGA BIKTIMA NG KALAMIDAD, HINDI JOKE!—Nili­naw ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na biro lang daw ni P-Duterte ang sinabi nitong hindi bibigyan ng budget ang Bicol para sa muling pagbangon nito at pantulong sa mga biktima ng Bagyong Usman kung hindi nila susuportahan ang mga kandidato nito sa pagka-senador.

Gan’un? Pambihira, hindi joke ang kailangan ng mga biktima ng kalamidad, lalo na ang mga namatayan at nawalan ng mga ari-arian kundi agarang kalinga ng gobyerno, period!

◘◘◘

P358 MILYON SA PAMILYA NI CALIDA, P550 MILYON SA MA­NUGANG AT BA­LAE NI DIOKNO—Kung P358 milyon ang nako­pong security contract sa gobyerno ng pamilya ni Solicitor General (Sol­Gen) Jose Cali­da, P550 milyon “proj­ects” naman umano ang ipinagkaloob ni Budget Sec. Benjamin Diokno sa kanyang manugang at balae.

Malinaw na korupsi­yon ‘yan kasi lumalabas na ginamit nina Calida at Diokno ang kanilang posisyon para ang ganyan kalaking pera ng bayan ay mapunta sa kanilang pamilya at mga taong malalapit sa kanila.

Kaya kung totoong galit sa korup si P-Du­terte, dapat sibakin na niya sa puwesto sina Calida at Diokno kasi parehong kasiraan sa gobyerno ang dalawang ito, boom!

◘◘◘

RAKET NINA ‘BOY ABANG’ AT ‘LORNA’ SA MGA LUGAR NA SAKOP NG MPD-1, MPD-2 AT MPD-3—Namamayagpag daw ang raket na bookies at lotteng nina “Boy Abang” at “Lorna” sa Tondo at Sta. Cruz, Maynila na pawang nasa jurisdiction nina MPD-Stn. 1 Commander Supt. Reynaldo Magdalu­yo, MPD-Stn. 2 Commander Supt. Dave Mejia at MPD-Stn. 3 Comman­der Supt. Julius Domingo.

Kailan kaya ipato-"tokhang” ng tatlong he­peng ito sina “Boy Abang” at “Lorna"? Abangan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page