Kelot nag-amok sa iskul, 20 sugatan
Jersy Sanchez
Jan 10, 2019
1 min read
ARESTADO ang isang lalaki matapos umatake sa isang paaralan sa China.
Batay sa impormasyon, 20 kabataan na pawang mga elementary student ang nasugatan.
Naganap ang pag-atake sa Xuanwu Normal School sa Beijing dakong alas-11:00 ng umaga (local time).
Tatlong estudyante ang malubhang nasugatan ngunit, nasa mabuti nang kondisyon.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang motibo ng suspek sa pag-atake gamit ang martilyo.





Comments