top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Halimbawa sa mga ito ay pula o apple green daw, sissy! BABAENG SA SANDALING GUMAMIT NG MATITINGKAD N

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 10, 2019
2 min read

Dear Maestro,

Matagal na akong tuma­taya sa lotto. Gusto ko kasing matapos na ang bahay na­min. Sa ngayon ay nakati­wangwang ito at nilu­lumot na ang haligi at ding­ding na hallow blocks dahil kinapos kami sa budget. Sana ay ma­bigyan ninyo ako ng masu­suwerteng numero para mapatapos na namin ang ipinagagawa naming bahay at kung may matitira pang pera, balak din naming magkaroon ng tindahan. Bagay ba sa aming mag-asawa ang ganitong negosyo? October 4, 1974 ang birthday ko at February 5, 1971 naman ang mister ko.

Umaasa,

Matilde ng San Pedro, SJDM, Bulacan

Dear Matilde,

Ang birth date mong 4 at zodiac sign na Libra habang ang birth date na 5 ni mister sa zodiac sign na Aquarius ay nag­sasabing, suwerte kayo sa negosyo lalo na ang mga kalakal na may kaugnayan sa pagkain, gayundin ang mga produkto na may kaugnayan sa sari-sari store at grocery. Puwede rin sa inyo ang negosyong bigasan o pang araw-araw na panganga­ilangan ng mga tao. Sa nasabing negosyo, uunlad kayong mag-asawa hanggang sa tuluyan na kayong yumaman.

Samantala, bukod sa sarili mong numero na 4 at 5, si mister ay mapalad din sa lahat ng mga numerong may suma­tutal na 3, 7 at 9 tulad ng 12, 21, 30, 16, 25, 34, 18, 27, 36, 45 at iba pang kauri nito.

Puwede mo ring subukan ang 4, 15, 23, 28, 35 at 40, ga­yundin ang 1, 19, 22, 31, 37 at 41. Maaari ka ring humugot ng kumbinasyon mula sa Cabalistic of Knowledge 918/ 254/ 124/ 277.

Upang masigurado ang malaking panalo, maghanap ka ng lotto outlet na kulay pula ang dingding o kaya ay rehas. Ang nasabing lotto outlet ang magpapatama sa iyo ng jackpot sa takdang panahong inilaan ng kapalaran.

Sa pagnenegosyo, huwag mong kalilimutang gumamit ng mga matitingkad na kulay tulad ng pula at apple green ha­bang iwasan mo ang mapusyaw o matatamlay na kulay.

Sa sandaling nasunod ninyo ang mga simpleng rekomen­dasyong inilahad na sa itaas, tiyak ang magaganap, sa taong 2024, sa edad mong 50 pataas at 53 naman si mister, maunlad na ang inyong negosyo hanggang sa tuluyan na kayong yumaman at makapagpagawa ng bago, mas malaki, maganda at mas magarang bahay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page