top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Graft vs. Antique Governor, tuloy — Sandiganbayan

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 10, 2019
1 min read

TULOY ang paglilitis sa kasong korupsiyon laban kay dating Antique Governor Exequiel Javier at mga kasama nito na sinampahan ng Ombudsman ng kasong katiwalian sa maanomalyang pagbili at paglilipat sa pribadong grupo ng isang 40-ton ricemill na nagkakahalagang halos P10 milyon.

Makaraan ang isa’t kalahating taon mula nang isampa ang kaso, sisimulan na ang paglilitis matapos ibasura ng Sandiganbayan 3rd Division ang apela at mosyon ng kampo ni Javier para pigilin ang kaso.

Ayon sa Sandiganbayan, wala umanong batayan para patagalin ang kaso upang bigyang hustisya ang magsasaka na hindi umano nakinabang sa naturang ricemill na binili gamit ang P9.9 million pork barrel fund ni Javier.

Dahil sa walang batayang pagbibigay ng libreng ricemill sa isang pribadong organisasyon, nagsampa ng kasong katiwalian ang Ombudsman laban kay Javier at mga kasama nito na kinabibilangan nina dating Patnongon Mayor Henry Mondejar; dating Vice-Mayor Johnny Flores Bacongalloat, Municipal Councilors Gemma Cepeda, Thomas Bacaoco, Al Brian Crespo, Felix Gregorio Barrientos, Rene Philip Cayetano, Teopisto Estaris Jr. at Erika Orcasitas. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page