2 tulak patay sa drug-bust
SULTAN KUDARAT—Dalawang drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa mga awtoridad na nagsawa ng drug-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Tuka, Bagumbayan sa lalawigang ito.
Nakilala ang mga suspek na sina Santiago Magno at Joey Diente, kapwa residente ng Bgy. Busok sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, darakpin sana sa drug-bust operation sina Magno at Diente, pero bigla nilang pinagbabaril ang mga awtoridad.
Dahil dito, agad gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang dalawang suspek.





Comments