‘Di nakuntento sa panunukso, ginulpi | 11-ANYOS PATAY SA 3 BULLY
- Jeff tumbado / Paul Lamsen
- Jan 10, 2019
- 1 min read

DEDO ang 11-anyos na lalaki na umano’y tampulan ng tukso, makaraang bugbugin ng kanyang tatlong kalaro sa Mangaldan, Pangasinan.
Napag-alaman sa report ng Mangaldan police mula sa salaysay ng ama ng biktima, pinagtulungan umanong bugbugin ang kanyang anak ng mga kalaro nito noong Disyembre 29, habang idinaraos ang kanilang Christmas Party.
Sapilitan umanong dinala ng ibang mga bata ang biktima sa isang madilim na lugar kung saan siya pinagtulungang bugbugin.
Sinubukan umanong itago ng biktima ang insidente sa kanyang magulang dahil sa takot umano nitong balikan ng kanyang ama ang mga naging kaaway.
Nitong Enero 1 lamang nagkaroon ng lagnat na may kasamang pananakit ng katawan ang biktima na tumagal ng mahigit isang linggo.
Nang isugod sa ospital ang bata nitong Martes, dito na siya binawian ng buhay.
Patuloy namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad tungkol sa insidente habang nakipag-ugnayan naman ang pamilya sa Municipal Social Welfare Department dahil pawang mga menor-de-edad ang mga sangkot.





Comments