top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Rider at angkas dedbol sa bus

  • Maeng Santos
  • Jan 9, 2019
  • 1 min read

DEDO ang isang rider at kanyang angkas matapos mabangga ang sinasakyan nilang motorsiklo ng pampasaherong bus sa Valenzuela City, kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay Valenzuela Police Chief Senior Supt. David Nicolas Poklay, dead-on-the-spot sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan si John Alvin Goyal, 22, ng Sitio Pangolo, Taytay, Rizal, habang ang kanyang angkas na si Dexter, ng Bgy. San Juan Floodway ay hindi na umabot nang buhay sa Valenzuela Medical Center sanhi rin ng mga pinsala sa ulo at katawan.

Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting in double homicide at damage to properties ang driver ng Star Bus na may conduction sticker KT0501 na nakilalang si Silverio Mejias, 47, ng Meycauayan, Bulacan.

Ayon kina PO2 Fridayrich delas Nadas at PO2 Marvin Umayam, alas-12:30 ng hatinggabi, angkas ni Goyal si Dexter sa minamanehong motorsiklo (9883 UL) habang binabagtas ang kahabaan ng southbound ng MacArthur Highway patungong Caloocan City at pagsapit sa Bgy. Dalandanan, bigla na lamang lumiko pakaliwa ang bus na minamaneho ni Mejias na tinatahak naman ang kabilang kalsada.

Nahagip ng bus ang motorsiklo at nakaladkad ng ilang metro ang mga biktima hanggang sa rumampa sa concrete barrier ng Wilcon Depot bago tuluyang huminto sa parking lot ng establisimyento.

Hindi masabi ni Mejias ang dahilan ng biglang pagliko pakaliwa ng minamanehong sasakyan subalit, sa tingin ng mga traffic investigator na posibleng nakatulog ito habang nagmamaneho.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page