Nalalagas ang buhok
- BULGAR

- Jan 9, 2019
- 2 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Mey ng Mey_ Ril_Tan@facebook.com
Dear Professor,
Itatanong ko lang kung ano ang ibig sabihin ng nalalagas kong buhok sa panaginip?
Naghihintay,
Mey
Sa iyo Mey,
Madalas, mababasa rito sa ating kolum na Panaginip na kapag nalagas ang buhok sa panaginip, ang ibig sabihin ay humihina ang kalusugan ng nanaginip.
Akala ng iba, walang basehan ang nasabing kahulugan, pero marahil, kaya hindi sila naniniwala ay dahil kapos sila sa kaalaman.
Minsan, hindi natin sila masisisi dahil may ilang nagpapanggap na dream interpreter, pero kapos din sa kaalaman ang mga ito kaya hindi rin nila alam kung ano talaga ang kahulugan ng mga panaginip dahil ang marami sa kanila ay kinabisa lang ang mga ito o kaya ay nakuha sa internet.
Okay lang ang ganu’n dahil marami rin ang tumatama sa kanilang sinasabi, ‘yun nga lang, hindi nila alam kung ano ang kanilang pinagsasabi.
Narito ang ilang kaalaman tungkol sa buhok ng tao:
1. Ang bawat tao ay isinilang na may mahigit 100, 000 hair follicles, kapag blonde ang buhok ay mga 150,000, kapag pula ay mga 90,000 at ang Pinoy na itim buhok ay mga 110, 000.
2. Nalalagas ang buhok sa bilang na 100 hanggang 124, araw-araw.
3. Ang buhok ay binubuo ng water, keratin at lipids.
4. Ito rin ay may chemical elements na 45 % carbon, 28 % oxygen , 15 % nitrogen, 7 % hydrogen at 5% sulphur.
Kaya madaling paniwalaan na ang nalalagas ang buhok ay kinukulang sa nasabing mga sangkap na nagreresulta sa paghina ng kalusugan. Halimbawa, kailangan ng tao ang oxygen dahil kapag kaunti lang ang oxygen sa katawan, siya ay puwedeng magkasakit.
Ang protein ay ang pinagmumulan ng lakas ng tao kaya kapag mahina o kaunti lamang ito, ang katawan ay hihina. Pero, paano malalaman ng tao na siya ay nagkukulang sa mineral at elementong kailangan ng kanyang katawan? Dito napakikinabangan ang mga panaginip dahil anumang kalagayan ng katawan ay unang ibinababala ng mga panaginip, kaya muli, ang panaginip na nalalagas ang mga buhok ay nagbababala na hihina ang iyong katawan.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo




Comments