top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Naimpluwensiyahan lang daw… ALJUR, UMAMING WALA TALAGANG BALAK PAKASALAN SI KYLIE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 9, 2019
  • 2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

INAMIN naman ng aktor na si Aljur Abrenica sa guesting niya sa Magan­dang Buhay nitong Martes (January 8) na wala pala silang balak mag­pakasal nu’ng una ni Kylie Padilla, at nagbago lang daw ito nang may nakilala silang hu­warang mag-asawa.

Kuwento ni Aljur, “Hang­gang sa nakita ko ‘yung mga wedding ritual. Sabi ko, ‘Ang ganda nito, may basbas ng Di­yos.’ Tapos magsasama-sama ang buong pamilya, magkaka­kilala sila. So, nag-decide ka­ming magpakasal. So, impor­tante talaga ang kasal.”

Ayon kay Aljur, dalawang linggo lang ang naging prepa­ras­yon ng kanilang kasal at itinuloy nila ito para makasa­ma ang ina at mga kapatid ni Kylie. Naging sulit din daw ang lahat ng hirap at pagsubok na ka­­­ni­­­lang pinagdaanan dahil ito ang nag­patibay sa kanilang relasyon.

Aniya, “Masayang-masaya ‘yung puso ko. Kasi simula nu’ng nagkakilala kami ni Kylie, nagbago lahat.

‘Yung first time na nakita ko siya, ‘yung pangarap ko, nagbago rin, nasama na siya. Nadag­dagan ‘yung pangarap ko. So, nag-am­bisyon ako noon na siya na, nag-ambis­­yon na rin ako na magkaroon ng sariling pamilya. Looking back nga after ng kasal namin, doon namin nakita na kaya pala namin pinagdaanan ‘yun kasi dito kami dadalhin and it’s all worth it, all worth it.”

Masayang ibinalita ng aktor na ma­ayos na rin ang relasyon niya sa ama ni Kylie na si Robin Padilla, na kan­yang nakaalitan nu’ng una, at “Papa” na rin ang tawag niya rito.

Aniya, “Si Papa Robin naman, I respect him as a father, as a man, as an artist. Ngayon kasi, hindi ko maintin­dihan ang pagkakaiba ng father-in-law sa tatay. Ngayon, parang tatay ko na rin siya. Ganu’n siya.”

Dagdag pa niya, “Ganu’n siya, nagte-text, inaalam kung saan kami magha-honeymoon para bigyan kami ng pocket money. Sabi ko, ‘Wow!’ Parang tatay talaga.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page