Nagbigti sa kuwarto tepok
Pabs Hernandez III
Jan 9, 2019
1 min read
CAGAYAN DE ORO CITY—Isang binata ang nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbigti sa loob ng kanyang kuwarto, kamakalawa sa Bgy. Camaman-an sa lungsod na ito.
Kinilala ang biktima na si Alvin Mondelo, residente ng nasabing barangay.
Nabatid na ilang kamag-anak ni Mondelo ang nakatagpo sa nakabiting bangkay ng biktima sa loob ng kuwarto nito.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng biktima sa kanyang pagpapakamatay.





Comments