top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Magsyota tiklo sa P.5 milyong shabu

  • Jeff Tumbado
  • Jan 9, 2019
  • 1 min read

TIMBOG ang magkasintahan sa ikinasang buy-bust operation sa Bgy. Pasong Tamo, Quezon City.

Tinukoy lamang ang pagkakakilanlan sa mga suspek na sina alyas Rommel at Mianne na nakuhanan ng 85 gramo ng iligal na droga na nagkakahalagang P500,000.

Depensa ni Rommel, binabayaran lamang umano siya ng P500 sa kada pagdadala ng naturang kontrabando.

Todo-tanggi naman ang kasintahan nito at sinabing hindi siya nagtutulak ng shabu.

Nabatid na ilang ulit nang nakulong si ‘Rommel’ dahil din sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page