Magnitude 6.6 lindol sa Indonesia
- Jersy Sanchez
- Jan 9, 2019
- 1 min read
NIYANIG ng Magnitude 6.6 lindol ang Indonesia.
Tumama ang pagyanig sa Lungsod ng Ternate sa isla ng Molucca, ayon sa U.S. Geological Survey (USGS).
Gayunman, napag-alaman ng awtoridad na may lalim itong 60.5 km na sinundan ng aftershocks na may lakas na Magnitude 5 hanggang 5.1.
Hindi naglabas ng tsunami warning ang Pacific Tsunami Warning Center habang wala namang naitalang nasawi at pinsala sa insidente.





Comments