Kahit Primetime King pa… DINGDONG, SAPAW KAY DENNIS SA SERYE SA SIYETE
- BULGAR

- Jan 9, 2019
- 1 min read

WALANG intensiyon si Dennis Trillo na sapawan si Dingdong Dantes sa mga eksena sa serye nilang Cain at Abel. Ginawa lang niya ang role na ibinigay sa kanya.
Kung lumutang man siya dahil sa matitinding fight scenes, ‘yun ay dahil may pagka-bad boy ang kanyang karakter sa Cain at Abel. Lagi na lang siyang napapasubo sa away at gulo, lalo na nang mamatay ang kanyang anak na si Sammy.
Si Dingdong, markado ang role bilang anak-mayaman na hindi alam na sila ni Elias (Dennis) ay magkapatid. At pareho pa nilang mamahalin ang isang babae — si Abigail (Sanya Lopez).
Well, alam ni Dennis na si Dingdong ang klase ng taong hindi basta-basta nabubuyo sa mga isyu. Hindi ito mainggiting tao dahil napaka-secure at confident sa sarili.
Hindi sila basta mapagsasabong. Pareho naman silang hari in their own rights. Si Dingdong ang Primetime King ng GMA Network at si Dennis naman ang Drama King!





Comments