top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Fake news, dapat unahan | Gov’t officials na sangkot sa korupsiyon, talupan agad-agad!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 9, 2019
  • 3 min read

KAILANGANG asikasuhing mabuti ng Pa­lasyo ang balita na ilang opisyales ng gobyerno ang sangkot umano sa korupsiyon at iba pang iligal na gawain. Habang maaga pa, dapat maim­bestigahan na nila kung totoo ang mga balita o hindi.

Iba na ang panahon ngayon, “digital age” na o mabilis nang kumakalat ang impormasyon sa pamamagitan ng internet at iba pang tekno­lo­hiya. Maganda na mabilis ang pagkalat ng ba­lita, ang problema ay pati “fake news”, matu­lin na rin ang pagkalat.

Kaya dapat sagutin agad ng opisyales ng gobyerno ang mga alegasyon laban sa kanila. Napakasensitibo ang isyu ng korupsiyon. Maa­aring masira ang imahe ng administrasyong Du­terte kung patuloy na pinag-uusapan ang ko­rupsiyon ng ilang opisyales.

Galit ang taumbayan sa mga korup, ibinoto nila si Pangulong Rodrigo Duterte dahil nangako itong lilinisin ang krimen at korupsiyon sa bansa.

Kung ikukumpara natin sa nakaraang ad­mi­nistrasyon, napakaraming kaso ng korupsiyon tulad ng P3.5 bilyong pagbili ng tagilid na baku­nang Dengvaxia at ang iligal na DAP (Dis­bursement Acceleration Program) na ginamit ng mga dilawan para matanggal sa puwesto si dating Chief Justice Renato Corona.

Marami nang pinatalsik sa puwesto si P-Du­terte matapos malaman na sangkot ang mga ito sa korupsiyon, pero ang bagong balita ay may tatlong opisyales na iimbestigahan daw da­hil sa alegasyon ng mga iregularidad.

Ayon sa Presidential Anti-Corruption Com­mission, iniimbestigahan nila sina Labor Sec­retary Silvestre Bello III, dating Bureau of Cus­toms Commissioner Isidro Lapeña at National Commission on Indigenous People Chairman Leonor Quintayo.

Gayundin, mayroong lumabas na balita na nakinabang umano ang mga manugang ni Budget Secretary Benjamin Diokno sa mga kontratang imprastruktura sa Sorsogon sa pamamagitan ng kanilang kumpanyang Aremar Construction. Ang mga alegasyon laban kay Sec. Diokno at pamilya nito ay inilabas ni Cama­rines Sur Representative at House Majority Leader Ro­lan­do Andaya, Jr. sa isang public hearing sa Kamara.

Mariing itinatanggi ni Sec. Diokno na may kinalaman siya sa mga kontratang ito. Idinagdag pa niyang hindi ang departamento niya ang nag­dedesisyon sa proyektong ito kundi ang De­partment of Public Works and Highways.

Sa kaso naman ni Bello, pinaratangan siya ng job recruiter ng graft at korupsiyon. Sinabi ni Amanda Aranete ng MMML Recruitment Services na siya mismo ang nagbigay kay Bello ng P100,000 cash, iPhone at mamahaling pa­bango ngunit, itinanggi ni Bello ang mga aku­sasyon laban sa kanya.

Pinayagan ng Malacañang na ipagpapa­tu­loy ng PACC ang imbestigasyon sa kaso nina Bello, Lapeña, at Quintayo, pero sa kaso ni Sec. Diokno, mukhang sinusuportahan pa rin nila ang hepe ng DBM at hinahayaan na muna ang Kongreso na matapos ang sarili nitong pag­dinig at pagsusuri ng isyu.

Siniguro ni Presidential Spokesman Salva­dor Panelo na walang “sacred cows” o opisya­les na hindi puwedeng kasuhan sa adminis­trasy­ong Duterte.

“Kapag nilabag mo ang batas kahit ano pa ang posisyon mo kesyo kaibigan ka, kaal­yado, kalaban sa politika, kamag-anak, kaibi­gan o kasama sa fraternidad, walang epek ito. Kakasuhan ka pa rin kung may sala ka,” sabi ni Panelo.

Gayundin, sinabi ni Panelo na siya ring tu­matayo hanggang ngayon na Pre­sidential Legal Counsel na kailangan mu­nang hintayin ang ebidensiya bago tayo hu­musga. Hihintayin din ng pangulo ang pagtata­pos ng imbesti­gas­yon bago siya kumilos kung may tatanggaling opis­yales.

Sa kasalukuyan, hinahayaan pa ng Palasyo sina Bello, Lapeña at Quintayo na manatili sa kanilang puwesto habang tinatapos ng PACC ang kanilang imbestigasyon.

Isang bagong ahensiya lang ang PACC na itinatag noong Oktubre 2017 sa pamamagitan ng Executive Order 43. Ang layunin nito ay dinggin at imbestigahan ang mga kasong admi­nistratibo laban sa laban ng presidential appoin­tees sa executive department, lalo na ang mga akusasyon ng korupsiyon. Maaari rin itong mag­sagawa ng lifestyle check at iba pang pag­susuri ng presidential appointees at diretso nitong isusumite ang mga pagsusuri nito sa pangulo.

Ang chairman ng PACC ay si Dante Jimenez, ang founding chairman ng Volunteers Against Crime and Corruption.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page