Zamboanga del Norte niyanig ng 5.4

ISANG Magnitude 5.4 na lindol ang tumama sa kalupaan ng Zamboanga del Norte kahapon ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tumama ang lindol alas-11:11 ng tanghali.
Ito ay may lalim na 35 kilometro at tectonic ang origin. Naitala ang sumusunod na intensities bunsod ng pagyanig: Intensity V – Siocon, Zamboanga del Norte; Intensity IV – Zamboanga City; Liloy, Zamboanga del Norte; Intensity III– Sindangan & Labason, Zamboanga del Norte; Intensity II – Dipolog City; Manukan, Zamboanga del Norte; Instrumental Intensities: Intensity IV – Zamboanga City.
Wala namang naitalang pinsala sa mga ari-arian at aftershocks kasunod ng malakas na lindol.





Comments