top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Tserman at tanod sapol din | SUNDALO PINAGBABARIL SA LAMAY, PATAY

Jeff Tumbado
Jan 8, 2019
1 min read

PATAY ang isang sundalo habang sugatan ang kapitan ng barangay at kanyang tanod matapos silang pagbabarilin ng grupo ng kalalakihan sa Camarines Sur.

Nakilala ang nasawi na si Sgt. Benito Ronquillo Bien, 45, miyembro ng Philippine Army at nakadestino sa Bgy. Bicalen, Presentacion.

Nasa ligtas nang kalagayan sina Tonyben Tabalde, kapitan ng Bgy. Sagrada at tanod na si Mario Ibanita.

Sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang insidente habang nag-iinuman sa lamay ang tatlo sa Sitio Rakitan, Bgy. Dela Fe.

Bigla umanong dumating sa lugar ang ilang hindi pa tukoy na mga lalaki at pinagbabaril ang sundalo kung saan tinamaan din ang kapitan at tanod.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente at hindi iniaalis ang NPA bilang isa sa mga nasa likod ng krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page