Pinsala ng bagyong Usman, umabot na sa mahigit p4 bilyon - NDRRMC
Jeff Tumbado
Jan 8, 2019
1 min read

UMABOT sa P4.2 bilyon ang iniwang pinsala ng Bagyong Usman.
Batay sa huling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa higit P3.3 billion ang pinsala sa mga imprastruktura.
Habang higit P900 million naman ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura.
Naitala ito sa mga rehiyon ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (Calabarzon), Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan (Mimaropa), Bicol at Eastern Visayas.





Comments