Pahiwatig na yayaman
- BULGAR

- Jan 8, 2019
- 2 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Leonzo ng Leonzo_Ernie@facebook.com
Dear Professor,
Nanaginip ako ng dumi, tumpuk-tumpok at napakarami, halos lahat ng nakikita ko ay puro ganito kaya wala na akong space na matapakan. Ano ang ibig sabihin nito?
Naghihintay,
Leonzo
Sa iyo Leonzo,
Ang ginto at ang dumi ng tao ay magkatulad. Ang totoo, halos walang ipinagkaiba ang dalawa kung saan ang kulay ng ginto ay kulay din ng dumi.
Kaya, hindi mahirap malaman kung ang alahas na sinasabing gold ay fake. Ang panukatan ay dapat malambot ang tunay na gold at kapag naging kasinlambot ito ng dumi ay masasabing pure ang gold.
Pero, siyempre gold din ang ilang alahas kahit hindi ito kasinlambot ng dumi, kaya lang, ang gold na alahas ay may katigasan at hindi mataas ang carts.
Alam mo, noong unang panahon, ang ipinambabayad sa mga tunay na manghuhula at mangkukulam ay gold, kaya sa mga kuweba kung saan nakatira ang mga mangkukulam at manghuhula ay punumpuno ng gold.
Alam mo, noong unang panahon, hindi ginagamit na pera ang ginto dahil ang mga shell na maliliit na nakukuha sa dagat ay ang nagsisilbing pera na pambili ng mga tao sa mundo ng komersiyo.
Pero, maraming pamayanan ang walang shell kaya ang uso sa kanila ay palitan ng produkto na kung tawagin ay barter. Ito ay kung ano ang kailangan mo, ‘yun ang ipambabayad ko sa iyo sa produktong kailangan ko.
Ngayon, hindi na uso na shells ang pambayad at ang barter system, ito ay dahil ang pera ngayon ay perang papel, pero hindi gold.
Ngunit, sa mundo ay gold pa rin ang batayan kung ano ang halaga ng pera, ito ay nangyayari depende sa gold reserve ng isang bansa, kaya kapag kaunti lang ang kanilang gold ay mahina ang kanilang pera at kapag marami naman ay malakas.
Kaya ang basehan kung sino ang mayaman ay nasa gold pa rin naman.
Samantala, ang panaginip na napakaraming dumi ay simbolo ng lantay na gold na nagsasabing, uunlad at aangat ang iyong kalagayang pampinansiyal.
Ito mismo ang ibinabalita ng iyong panaginip.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo
del Mundo





Comments