NDRRMC, gawing regular na departamento — DUTERTE

MULING iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawin nang regular na departamento ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ani Duterte, gusto niyang kunin si Ricardo Jalad, executive director ng NDRRMC para pamunuan ang Department of Disaster Resilience.
“I have plans of makinghis (Jalad’s) department — his agency a regular department solely to meet the challenges when the country is hit by natural disasters and other emergencies.
He will be in-charge of everything,” pahayag ng pangulo sa kanyang pagbisita sa Camarines Sur noong Biyernes.
Matatandaang, umapela si P-Duterte sa Kongreso sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na gawing priority measure ang DDR.
Sa kasalukuyan, nakabimbin ito sa Senado habang pumasa naman na ang bersiyon ng panukala sa House of Representatives.
Sa ilalim ng panukala, pamumunuan ng bagong departamento ang mga gagawing hakbang ng gobyerno para sa disaster risk reduction, disaster preparedness and response at recovery and building.
Sa ngayon, nasa ilalim ng pangangasiwa ang NDRRMC ng Office of Civil Defense na nasa ilalim naman ng Department of National Defense.





Comments